If you want to see samples of my comics work, head on over to CapsuleZone! If you want to see my graphic design portfolio, just go to Reno Maniquis Graphic Works! Thanks for dropping by!

Thursday, November 09, 2006

The usual thing you'll hear when you go to the doctor to get shots is "parang kagat lang 'yan ng langgam."

Nung bata pa ako, narinig ko ito mula sa duktor ko. Nang sambitin niya ito habang ako'y nag-iiyak dahil nga sa takot sa iniksyon, lalo lang ako naiyak. Bakit?

I don't know if these doctors have ever been bitten by an ant their entire lives, pero di ba nila alam KUNG GAANO KASAKIT ANG KAGAT NG LANGGAM??!? Ngayon ngang malaki na ako, mas mamatamisin ko pang ma-injection-an kesa makagat ng langgam!

Ibang klase ang kagat ng langgam. Sobra ang kirot nito, at hindi natatanggal ang kati at kirot kaagad-agad. 'Di tulad ng sa lamok na kapag kinamot mo any magiginhawaan ka na agad. Ang sa langgam, kahit kamutin mo masakit at makati pa rin. I don't know why the pain still lingers for a long while.

Marahil dito lang kasi sila nakakaganti sa ating mga tao. 'Di ba sobra kung maliitin natin ang mga langgam? At ilang beses na rin tayong tumiris ng langgam ng walang pakundangan. Madali kasi silang hulihin. 'Di tulad ng lamok, langaw o ipis na kailangan habulin mo pa para patayin.

kaya sa susunod, Dok, huwag niyong sabihing parang kagat lang ng langgam. MAS MASAKIT ANG KAGAT NG LANGGAM. Sabihin niyo na lang na para ka lang natusok ng karayom... or better yet basta itusok niyo na lang habang di nakatingin ang pasyente.

2 comments:

luperlleny said...

Anak ako ng doctor pero sobrang takot ako sa turok, pero tama. LAnggam pinakabrutal. Isang bese kumagat ako sa (hindi ko alam) linalanggam na pandesal, naging lobo aking labi. GGrabe, saket!

Reno said...

Mayaman ka pala, Josel, hehe.

Ako di takot sa turok... problema ko lang, mahirap hanapin ang veins ko pag kinukuhanan ng dugo. Minsan nakaka-ilang tusok bago tumama. :)