MAGKANO NGA BA MAG-PUBLISH NG KOMIKS SA PILIPINAS?
That's the question on the minds of the local creators. Let's break it down a bit, okay?
Ito ang specifications ng ating hypothetical komiks:
6.625" x 10.25" (Standrad comic book size)
Glossy, full-color cover
Black & white interior pages, newsprint paper
20 pages (24 including covers)
10,000 copies
Actually, kapag magpa-pa-print ka ng komiks, 10,000 copies ay conservative number na. And sa mga printers, the more you print, mas mababa ang cost. Puwedeng magpa-print ng mas konti, pero tataas ang cost per unit.
Iyung natanong kong printer, ang estimate nila overall na priting cost ay Php100,000. Ang sabihin, cost per copy ay 10 pesos lang. Parang mura, di ba? Sandali, di pa tayo tapos.
Kung ikaw ang sole creator at wala kang binabayaran na artists at writers, iyan na ang magiging cost mo per copy. Pero let's say na gusto mo lang maging publisher, so kukuha ka ng writers at artists. Ilagay na natin na ang ibabayad mo sa artist ay Php1,000 per page. Teka! Ang mahal ba, 'ika niyo? Iyan na siguro ang mura at fair price para sa artists. Alam niyo ba, kumikita ang mga illustrators ng around Php3,000 per spot illustration, depende kung saan gagamitin (mababa na iyon ha?). O kaya puwede silang gumawa ng storyboard (max siguro of 20 panels) for around Php10,000 to Php20,000. Ikumpara mo sa isang komiks page na Php1,000 lang ang bayad, aling trabaho ang pipiliin mo?
So, may Php1,000 ka, multiply by 20 (number of pages) equals Php20,000. Ang writer, ilagay mo na sa Php500 per page (again, mura na iyan). Php500 x 20 = Php10,000. So, if you add all of the costs above, it would amount to Php130,000 ang gastos mo. Ang cost per copy, Php13. Wow, mura pa din! Puwedeng ibenta ng Php20 per copy!
Hep hep hep! Hindi ganyan mag-presyo ng mga products na hindi consumer goods. lalo na sa mga libro, magasin, at komiks, dahil hindi naman lahat ng kopya ay mabebenta. At teka, kailangan mo din ng distributor! Paano mo ibebenta ang komiks mo sa Pilipinas kung walang magdi-distribute nito?
Nagtanong na din ako, at ang mga freelance distributors, minimum ay 40% off ng cover price mo ang kukunin. Minimum iyan, ha? Some distributors charge as much as 60%. Sila na ang bahala makipag-usap sa mga bookstores, newsstands at iba pang outlets na puwedeng pagbentahan ng komiks mo. So kung Php20 mo lang ibebenta, lugi ka pa kasi yung Php8 mo, napunta sa distributor. Php12 lang mapupunta sa iyo, lugi ka pa ng piso per copy.
Wala kang choice kundi itaas ang presyo mo, para makapag-break even ka man lang. Kaya't ang mga publishers, x4 or x5 ng cost ang pinapatong nila. Remember, NOT ALL COPIES OF YOUR COMICS WILL SELL. Masuwerte ka na kung kalahati bebenta.
Ito ang dahilan kung bakit hindi na puwedeng i-presyo ang komiks na tulad noong dati (huli kong naalala ay Php15 ang cover price). Malamang, minimum of Php50 ang magiging cover price ng komiks.
Ang isa pang tanong... Kaya bang bumili ng Pinoy ng komiks sa ganitong halaga? Ka Randy, ikaw na lang ang sumagot niyan. hehe. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Kumporme sa Pinoy. Magulo din kasi ang mga Pinoy minsan. May pambili ng FHM pero pag niyaya mo sa Jolibee, walang pera. May pambili ng cellphone, pero wala namang pang-load, at hindi talaga naglo-load kundi nag-aabang lang ng pasaload hehehe. Meron naman, uunahin pa ang mag-friendster kesa bumili ng meryenda. Tingin ko kumporme sa priority.
Pero tama ka, mahal mag-publish ng komiks kung self-publisher ka lang. Love na lang ang habol mo at hindi business. Ang business ng komiks ay para sa mahaba ang pisi. At kayang makipagpatayan sa ahente hehehe.
Salamat sa insight, Randy!
Thank you for sharing some insight in the world of comic book publishing, Reno. Interesting!
BTW, a fellow blogger, Rey, is very much into comics (he's based in Singapore). You may want to check out his site:
http://reybronx.blogspot.com/
So, you lived in NYC, too, huh?
Dati gusto ko magpa-imprenta ng komiks ko para mas maraming kopya. Kaso mahina ako sa numbers, this means di ako magaling sa business.
So naisip ko na for fun na lang talaga ang dapat kong gawin kung maglalabas ako ng komiks, kaya photocopies na lang ang gagawin ko.
Salamat sa info, Reno!
-ed
OK na article ito, Reno! Very informative! :D
Pagkasulat ko nga nito, biglang may balita na maglalabas ang isang publisher ng komiks na 10pesos lang ang cover price! Pero hundreds of thousands pala ang copies nila, kaya't di kataka-taka na maibenta nilan= ng ganoon ka-baba ang presyo. Pero malaking risk din ang ganitong move. Sana mag-pay-off para sa kanila. I wish them luck!
Senor Enrique, Naka-communicate ko na rin si Rey paminsan-minsan. Gusto ko din ang art style niya. :)
Pagkasulat ko nga nito, biglang may balita na maglalabas ang isang publisher ng komiks na 10pesos lang ang cover price! Pero hundreds of thousands pala ang copies nila, kaya't di kataka-taka na maibenta nilan= ng ganoon ka-baba ang presyo. Pero malaking risk din ang ganitong move. Sana mag-pay-off para sa kanila. I wish them luck!
Senor Enrique, Naka-communicate ko na rin si Rey paminsan-minsan. Gusto ko din ang art style niya. :)
this one's a real eye-opener reno, congrats.
makes me shudder to think what you went through putting out your capsule comics.
My comic is not too expensive to produce, since it is an "indie," which has a limited print run (around 100 copies per issue) and is photocopied, that's why it's a bit affordable. But if one plans to go into a real-deal publishing venture, then the article more or less assesses what it will cost.
Post a Comment