Mabuti naman at tinigil na ng MRT yung paghiwalay sa entrance ng mga babae at lalaki. Lalo lang gumugulo ang magulo nang sistema sa pagpasok sa MRT. Alam ko'y ito ang reaksyon nila sa mga balitang may ilan-ilang mga manyakis na kumukuha ng litrato sa pamamagitan ng kanilang cellphone sa palda ng mga kababaihan, at mga balita rin ng "pananantsing" ng iba pang manyakis.
Ngunit nung ginawa nila ang paghihiwalay na ito, lalo lang nabuwisit ang mga tao, lalo na't kapag rush hour na. Tulad halimbawa sa Ayala station, na kung saan pagkahaba-haba ng pila at ni hindi mo nga mawari kung pumipila ka sa pagpasok sa turnstile o kung dun ka nakapila sa mga bumibili pa lamang ng card.
Pipila ka ng matagal, ngunit pagdating mo na sa mga guwardiya'y haharangin ka at sasabihing "lalaki lang dito" o kaya'y "babae lang dito." Hindi ba't sadyang nakakainit ng ulo? Mabuti sana kung sa dulo ng pila ay may magsasabi sa iyo kung saan ka dapat pumila. Kaso'y hindi.
Tulad nung isang linggo na sumakay ako. Sa katabi kong pila (na panlalake lamang) ay may isang babae na ayaw nila papasukin. Pinapapila pa siya uli dun sa pila ng mga babae na pagkahaba-haba (mahaba rin naman ang pila sa lalake). Kahit anong pilit ay matigas ang ulo ng mga guwardiya. Maging ang mga lalaking nakapila ay sinasabing palusutin na ang babae at lalo lamang tumatagal. Wala naman silang pakialam kung doon pumila yung babae. Ngunit sadyang matitigas ang kukote ng mga guwardiya. "Kami ang masusunod," ang sabi pa ng isa. Ni hindi nga siguro nila alam kung bakit hiniwalay ang mga babae't lalaki, ano? Basta't sunod lang sa utos ng nakatataas. Kung sinabi siguro sa kanilang tumalon sa bangin ay gagawin nila.
Iyan din naman ang mali sa pagsunod sa utos nang hindi man lamang ginagamit ang sarili mong utak (o kahit puso).
And since were on the subject of MRT...
Hindi ko talaga mainitindihan kung bakit ang mga tao'y nagpupumilit na tumayo sa may pintuan ng tren, gayong kapag nasa labas ka ay kitang-kita mong maluwag pa sa bandang gitna.
Kapag ako'y sumasakay, sumisiksik ako hangga't makarating ako sa maluwag na bahagi ng tren (sa gitna). Ako'y nagsasabi naman ng "excuse me," ngunit hindi mo rin naman talaga maiiwasang makabangga o makatapak ng paa ng mga taong nagsisiksikan sa may pintuan. Ang masaklap, sila pa ang galit at titingnan ka ng masama.
Aba... pasensya kayo. Kung ayaw niyong matapakan at mabangga, e di huwag kayong sumiksik sa may pinto. Mga engot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Naiinis din ako nung binalitang ipaghihiwalay ang mga lalake't babae sa MRT. Paano kung kasama mo gf/bf mo or Nanay at Tatay? Pano ba yun, hiwalay kayo ng train?
Buti naman at tinigil na nila, 'di pa naman ako ulit nakakasakay pa ng MRT. Sumasakay lang ako dun pag pumupunta ako ng Makati. Di talaga maiiwasan na may mga manyakis sa MRT. Kasalanan din siguro ng ibang mga babae na dapat sa mga maraming babae sila humarap kung sila'y nakatayo.
Nakakainis din talaga ang mga taong nagsisiksikan sa pintuan. Takot yatang masaraduhan ng pinto, eh, meron naman red button na pwedeng pindutin para malaman ng driver na ika'y bababa.
Ginagawa ko rin ang ginagawa mo, nagpupumilit akong pumasok sa mas maluwag kahit may mabunggo ako at may matapakan. Ganun din minsan pag nasa bus ako.
-ed
May guardiya rin naman na tumuitingin sa bawat pinto kung nakalabas na lahat ng lalabas. Kaya't malaki rin naman ang tsansa na di masaraduhan.
Pero advantage sa yo makipagsiksikan, ed. Payat ka naman e. =)
Hehehehe. Oo nga. Laki talaga ng advantage ko. Nyahaha! :D
-ed
Post a Comment