If you want to see samples of my comics work, head on over to CapsuleZone! If you want to see my graphic design portfolio, just go to Reno Maniquis Graphic Works! Thanks for dropping by!

Monday, July 31, 2006

Now that I can blog again, I don't have anything that I really want to blog about. Hnfh. Anyway, here's a blog filler to tide you over 'til inspiration hits me...

BLOG FILLER #7!

Ganito magbigay ng masamang balita:

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw...

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?"

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?"

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?"

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

2 comments:

Gio Paredes said...

Hey kamusta na. Ngayon pa lang uli na check ang blog mo. Ok ang last posted mo ah. Buti na lang mag-isa lang ako ngayon dito sa computer room namin. Tawa kasi ako ng tawa.

Salamat nga pala at inadvertise mo pa ang Blog ko dito. :-)

Reno said...

walang anuman, gio!