Comment ko ito sa blog ni Randy Valiente, gusto ko lamang i-post uli dito. Reaksyon ko ito sa mga negatibong puna ng ilang anonymous commentors doon ukol sa bagong henerasyon ng mga komiks creators ngayon. Pinuna din ang Komikon. To quote...
"Ang henerasyon ding ito ang nagtatatag ng isang di maintindihang "Komikon" sa Pilipinas gayong patay na ang industriya ng local komiks. Ang gamit nilang salita kadalasan ay Ingles, ang mga tao sa drawing nila kadalasan mga caucasian o japanese anime', wala silang pakialam sa suliranin sa paligid nila kaya panay escapism at apathy ang tema ng kanilang mga gawa (at salita), dahil dito todo at abnormal ang pagka-masayahin silang tao at higit sa lahat, may mga sariling mga mundo. "
Here is my reply...
I was just wondering, does the new, young crop of indie filmmakers get this type of flak from others? Why are the new generation of komiks creators getting this?
And why the negative reaction to the Komikon? If there was a Komikon during the heyday of the komiks industry, would it get this same reaction? And isn't the point of any convention (komiks or otherwise) to be a gathering of like-minded people and have fun and discuss things they have in common?
At masama bang mag-target ng specific market? Kung hindi ba masa ang target market mo, huwag ka na lang gumawa ng komiks? Sa marketing, isang malaking no-no ang gawing "ALL" ang target market mo. Kailangan may specific parameters. Oo, maganda kung makuha mo ang lahat (tulad ng nangyari noong panahon sa komiks), pero hindi praktikal ang mag-cater sa panlasa ng lahat.
Kung nais ng ibang publishers na maglabas para sa class A, B at upper C, nasa kanila na iyon. May target din naman silang print run na nais nilang ibenta. Karamihan sa mga iyan ngayon, di na hinahangad ang numbers ng readers noon (which count in the millions). Mabenta nila ang kalahati ng print run nilang 10,000 copies, ROI na sila. Kumita na sila. Masaya na sila doon. At yun naman ang point ng bawat business... ang kumita.
I was browsing around the newsstands recently, and was surprised to see MR. & MS. magazine priced at P100. Noon ay mumurahing babasahin lamang ito. Sobrang iba na ang format nito.
Bakit nagkaganoon? Bumabalik iyan sa sinabi ni Gerry (Alanguilan) na CHANGE OR DIE. I'm just speculating, pero malamang napagtanto ng publishers na hindi na bumebenta ang lumang format ng magazine nila. Hence, they felt the need to "improve" upon it.
Parang mga Showbiz magazines. Dati pulos hanggang mga 20pesos lamang ang mga ito. Ngayon, wala nang bababa sa 50pesos, which is just a little above the range of the "masa." Ang tanging magasin na nakita kong 20pesos ay LIWAYWAY.
Sa ngayon, di pa natin alam kung anong format o klase ng komiks ang kakagatin ng karamihan. Kung kaya't sinusubukan ng iba't-ibang publishers at creators ang iba't-ibang paraan upang makuha ang kiliti ng mambabasa.
Addendum:
At mukhang hindi naman nagpunta sa Komikon ang taong pumuna dito. Kundi'y makikita niya ang variety ng mga komiks na naroon. May mga anime at US style, pero maraming ring hindi. Marami ring seryoso ang tema ng mga gawa nila, at di lang escapism at fantasy ang nakita kong mga komiks noong ako'y nandoon. Kung nagpunta man siya, pareho kayang Komikon ang aming napuntahan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
The industry is weak, so why criticize a flame that is doing it's best not to be blown out. In time it'll get better.
Post a Comment