If you want to see samples of my comics work, head on over to CapsuleZone! If you want to see my graphic design portfolio, just go to Reno Maniquis Graphic Works! Thanks for dropping by!

Wednesday, August 23, 2006

Noong nakaraang Lunes ay death anniversary ni Ninoy Aquino.

Tuwing ako'y nakakabasa o makaririnig ng mga negatibong generalizations tungkol sa Pinoy, 'di ko maiwasang mainis. Lalo na't kung ito'y nanggagaling sa kapwa Pinoy din. Kesyo ang Pinoy daw ay puro siraan, puro awayan, puro inggitan... etcetera etecetera...

Doon lamang sa isang blog na pinupuntahan ko. Nag-aaway na ang mga tao sa comments section tungkol sa kung ano ba talaga ang "Pinoy Komiks." Ayos lang iyon. 'Di naman maiwasang magtalo-talo sa iba't-ibang bagay. Ang ikinainis ko, may nag-comment na "Pinoy nga kayo! Puro awayan!"

Sa tingin ko'y unfair ang mga ganitong comments. Sa tingin niyo ba'y hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga Amerikano? Ang mga Hapon? Ang mga Kastila? Mga Aleman? Lahat ng bansa, mayroong ganyan. Iyan ay likas sa ilang TAO. Hindi lamang sa PINOY. Katulad din na likas din sa tao ang maging MABUTI.

Mahal ko ang aking bayan. Ilang beses na akong nagkaroon ng pagkakataon na mangibang bansa ngunit pinili ko pa ring manirahan sa Pilipinas. Noon ay nagkaroon ako ng Green Card sa US. Ito'y dahil naging immigrants ang mga magulang ko, kaya't damay kaming mga anak nila. Ngunit makalipas ang ilang taon, gi-nive up ko ito. Marami sa mga kailala ko ang nagtaka at nagsabing ang tanga ko daw. Opinyon nila iyon. Ngunit para sa akin, wala akong pagsisisi sa pasya ko.

Nagkaroon din ako ng pagkakataong magtrabaho noon sa Singapore. gunit kasabay noon, nagkaroon din ako ng ibang job offer sa 'Pinas. Malamang nahulaan niyo na kung alin ang pinili ko.

Tunay na minsan ay nakapanlulumo ang sitwasyon sa ating bansa. Ngunit hindi tama na sabihin nating walang kuwenta ang Pinoy. Bakit kapag nasa ibang bansa'y namimitagan tayo at kadalasan ay pinupuri ng mga banyaga? Ngunit sa sarili nating bansa ay hirap tayong makaahon man lamang sa kahirapan? Hindi ko alam ang mga kasagutan, ngunit alam kong kaya natin.

Sabi ni Ninoy, "The Filipino is worth dying for." Iyan ay aking pinaniniwalaan. Bakit, 'ika niyo?

Heto ang isang magandang halimbawa ng magandang ugali ng Pinoy...

May kaibigan ako. Isang araw ay nilapitan siya ng batang babaeng nagbebenta ng sampagita. Beinte pesos lang daw ang isang bungkos. Inabutan niya ng isandaan ang bata, at sinabing kukunin na niya lahat ng paninda nito.

Medyo nataranta ang bata sa paghahanap ng panukli, ngunit sabi ng aking kaibigan ay "Sa 'yo na 'yan." Malaki ang ngiting inabot ng bata ang panindang sampagita. Hindi tinanggap ng kaibigina ko. "Okey lang. Sa 'yo na rin 'yan. Baka maibenta mo pa sa iba."

Lalong lumaki ang ngiti ng bata. Bago kumandirit palayo sa tuwa, Isang tuwang-tuwang "Salamat po!" ang binigkas ng kanyang bibig.

Magandang araw sa lahat!

8 comments:

Gio Paredes said...

Parehas pala tayo.
Marami rin kasi nagsasabi sa akin na Mag abroad ako. Indemand daw kasi ang mga programmer dun at malaki ang sahod.
One time nga sinagot ko ng pabiro ang isa client namin.
Sabi ko "Ayoko po sir kasi, I love the Philippines".
Nagtatawa sya at sinabi sa akin
"Gio, yan ang tinatawag na STUPID LOVE."
Sinabi ko na lang sa kanya na "Ano po kaya ang masasabi ng mga bayani natin dyan sa sinabi nyo kung buhay pa sila ngayon? Katulad po ni Ninoy?"
Tumahimik na lang sya at iniba ang subject ng usapan namin.

Reno said...

OK lang naman din mangibang bansa. Di rin naman mali yun. Basta sa tamang dahilan lamang. :)

Ed said...

Nangibang-bansa ako dahil sa "stupid love"...for a girl. Haha! Nag-sacrifice ako kahit sandali dahil may mahal akong banyaga, taga-Inglatera. Iba ang buhay dun, masyadong expensive. I think kulang na kulang ang sinasahod ko sa pamumuhay dun sa Inglatera.

Di naman ako umabot na ma-miss ang Pinas dahil mahigit 5 buwan lang naman ako dun. Parang ayaw ko pang umuwi dahil gusto ko pang magtagal dun kasama yung mahal ko. Nung pag balik ko dito parang mas maluwag ang mga galaw ko. Komportable ako sa lahat. Dun kasi sa Inglatera mahigpit ang batas.

So iba pa rin ang Pinas, minsan magulo na laging masaya.

Weird lang sa ibang Pinoy na nasa ibang bansa ngayon, masipag pag nasa ibang bansa...pero pag dito nagtatrabaho, parang ok lang na magbulakbol o hindi ayusin ang ginagawa, at ok lang na mapahiya. :-\

Gio Paredes said...

To Reno.
I agree with you 100% , and I salute the OFW's. Without them sobrang bagsak na ang piso.

They are a true hero. They work there to support their families here.

To Ed
Wow ha,estateside ppala ang girlfriend mo ah.
Sosyal :-)

Reno said...

Hindi stateside. UK yun. :)

Ed said...

Briton sya...pero wala na kami. :-\

TheCoolCanadian said...

You should have given yourself the chance to experience life in the US. It's always good to be exposed to other cultures, and the US, Canada and the UK are the best places to experience such thing because of their multiculturalism. You could have availed also of DUAL CITIZENSHIP later on.

Outside of one's country, a person develops a broader, less circumscribed view of how his own homeland fare internationally. It, too, will give one an opportunity to see what needs improvement at home: politically, socially, or even human ecology.

What's more, travelling is the best experience. It gives one some sort of a rebirth and a new perspective on different facets of life.

If I were you, I'll activate that green card of yours and stay in the US, but go home regularly, like what many green card holders do. It would be the best of both worlds for you.

Reno said...

Matagal din ako namalagi sa US, pero felt that it wasn't the life for me. :)