A few weeks ago, discussions at Randy Valiente's blog prompted me into asking questions about the local komiks "industry."
KC Cordero, associate editor for THE BUZZ magazine, was kind enough to reply. Here's his answer...
"I'm into publishing right now, at ito ang analysis ko. Mahirap nang sabihin ang demographics/class ng readers ngayon. sa karanasan ko sa kasalukuyan, pag gusto ng isang reader ang produkto bibilhin niya 'yan. Ang crucial factor ngayon ay ang visibility. Kung well-distributed ang product, mas nakatitiyak ng ROI. The best marketing strategy is not to determine the classification of the readers, kundi ang makakuha ng maraming stores na pagtitindahan. Isa pa, consciousness ng readers. Kapag lagi niyang nakikita na may komiks palang ganito o ganyan, papasok sa consciousness niya. Pag na-curious siya, bibili. Nagulat nga ako na kahit xerox binibili. Ganoon kasabik ang tao sa komiks. Laging may market sa komiks, maraming nagtatanong. Sana tuluy-tuloy ang paggawa ninyo ng komiks. Saka kung magpapa-print kayo ng komiks, pa-quote kayo sa at least 4 printers. Isa o dalawa roon siguradong mababa sisingil lalo na kung camera-ready na."
Thanks, KC!
I hope anyone out there who's thinking of coming up with their own komiks glean something from this.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hi reno,
magandang marinig ito galing kay kuya kc na malaki na ang karanasan sa publishing business. tama siya, ang problema sa kasalukuyang mga komiks ay ang visibility issues. hindi na ito kasinlawak ng dati kaya may mga tao na nagtatanong (lalo na ang mga traditionalists) na hindi na makikita ang komiks na kasinlawak ng dati. sang-ayon ako na hindi sa classification ng readers ang problem. mas conscious siguro ako sa distribution (una) at sa presyo (ikalawa). dapat ay hindi maging issue sa mamimili ang panghihinayang sa kanyang bibilhin. komiks ba o pagkain? sa ordinary filipino ngayon, na sumusuweldo ng minimum or below, mahirap sa kanya ang maglabas ng pera para sa komiks na kasing presyo na ng pinagsamang ulam at bigas. alam ko ang ganitong problem dahil ako mismo, isa nang kolektor ng komiks, ay nag-iisip pa rin kung dapat ba akong bumili, unless na lang gustong-gusto ko ang drawing or story.
ang problem dito ay paikut-ikot, dahil maliit ang PO ng mga komiks ngayon, at hindi kasinlawak ang distribution gaya noon, normal lang na magpresyo ng malaki ngayon ang mga publishers (lalo na ang mga self publishers) para makabawi sa gastos nila.
lastly, kaya may bimibili sa mga xerox komiks dahil maganda ang 'positioning' nito. meaning, itinitinda ito sa comic quest, or sa mga events (toy or comics or related) na may mga audience na interested sa komiks. pero sa isang lugar, let say, maliit na baryo sa pilipinas, na puro magsasaka at mangingisda ang nakatira, dito natin masusukat kung may magbabasa nga nito. lalo pa ang mga stories at art ng mga xerox comics ngayon, kung hindi manga, gothic, or kung anu-ano pang self-expression ng creator na ang mga tulad lang niya ang nakaka-relate.
Yup. Iyun din ang unang-unang hadlang na nakikita ko sa ngayon, ang distribution. Maging ang mga existing komiks publishers ngayon ay 'di malawak ang distribution system. May email din sa akin si KC tungkol sa distribution, hihingin ko muna ang permiso niya kung puwede ko i-post dito.
Post a Comment