Once more, KC Cordero gives some useful insights about local publishing. Here's what he has to say about DISTRIBUTION...
"Sa ngayon, kung may publication ka maliit man o malaki ay tulad pa rin ng dati ang distribution. Ikaw ang lalapit sa mga ahente (may asosasyon, meron din naman na indibidwal lang na ahente.) Kung mabenta ang produkto mo, puwede kang mag-demand ng bond depende sa iyo. Ang amount ng bond ay proteksyon mo sakaling balasubasin ka ng ahente at di na mag-remit ng kita. Isinosoli pa rin ang hindi nabentang kopya, at mula roon ay kukuwentahin lang kung ilan ang di nabenta o naisoli ng ahente. Kaya kung tutuusin, kung iisa ang produkto gaya ng kay Gerry (i.e. ELMER) ay mas praktikal na you do the distribution and everything. Karga mo sa car mo, punta ka sa mga bookstore. Pero dapat ay rehistrado 'yan as a company/business para may official receipt ka at makakakuha ka ng ISBN/ISSN sa national library. Sa National Bookstore ay paaaprubahan mo ang kopya bago nila payagan na mai-display roon. At para maaprubahan, magbibigay ka ng kopya ng business registration at company profile. 40% cut nila, at sakaling mawala o manakaw di nila babayaran. Ang kargo lang nila sa 'yo ay 'yung lalabas sa resibo nila. So, kung may nagnakaw at di naka-record sa actual sales nila, sori. Ikaw na rin ang kukuha ng mga kopya na hindi nabenta. Pero pag graphic novel naman ay pumapayag sila na matagal sa display. ang Expressions, Booksale at iba pang bookstore ay 30% lang ang cut."
I hope this proves helpful to all local creators out there!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Salmat po sa Tip!^__^
KC:
Medyo kumplikado pala ang distribution diyan sa ating bansa. Kailangang may mga taong mag-aasikaso. Wala palang mga company na solely distributorship lang ang gagawin?
Napakadali ng distribution dito sa north America. Pagdeliver ng komiks, babayaran ka ng distributor (especially if you want C.O.D.), kaya dala mo na ang check mo pag-alis mo. 60/40 nga lang ang deal. 60 sa distributor, 40 sa publisher. Pero wala ka nang sakit ng ulo. Worldwide na ang distribution.
Kung ganito sana ang pamamaraan sa atin, tiyak na marami ang magbe-venture sa komiks publishing.
May mga tao ka bang mamamahala sa pasikut-sikot na distribution sa komiks mo? Biruin mo, sa mga probinsiya, kailangan mo ring may tao ka. Hindi biro pala ang sistema diyan.
Pagkakaalam ko kasi sa North America, nang sumulpot ang Direct Sales market, nagkaroon ng non-returnability ang mga comics, kaya't naging mas madali sa mga publishers. Di na nila aasikasuhin ang mga di nabili na kopya. At kung di naibenta ang initial orders mo ng retailer, may kita ka na. Yun nga lang, di na sila oorder uli kung mahina ang comics mo.
Dito sa 'Pinas, puwede pa rin ibalik ang mga di naibenta (tulad ng diyaryo). Kaya't kung walang benta, walang kita.
That's REALLY tough!
Napaka informative ng mga nasabi ni KC.
Kaso nga lang parang depressing ang mga circumstances na nangyayari at mga pwedeng mangyari. Parang luging lugi ang side ng publisher, parang wala na talagang kikitain. I have 2nd thougts on publishing my works. People must have a realy deep passion for comics to pursue this.
Don't be discouraged, Gio. Kahit anong business, malaki ang risk. May mga kilala kako, sa unang tingin, parang di kikita at walang market ang mga business na itinayo nila. Pero dahil na rin sa passion nila sa ginagawa nila, nagtatagumpay sila.
isa sa dahilan kaya hindi ko pa rin matuloy ang plano kong mag-self publish ay ang hirap ng distribution at singilan sa mga ahente dito sa pinas. marami na akong karanasan na naoonse ang mga maliliit na publishers na umalis noon sa Atlas at Gasi at nagtayo ng sarili nila. kaya nawalan na rin sila ng gana. kaya ang pinaka-safe (yun na lang talaga ang pinaka-pinaka safe) ay ang ibagsak ang mga products natin sa bookstores. hindi man bumenta e alam natin idinidisplay. sa bangketa distribution, minsan iipitin ka pa ng mga yan, sa distirbution at sa singilan. pero kung mape-penetrate ng mga bagong publsihers ngayon ang bangketa, maniwala kayo, napakalaking market nito. kung lilibot kayo samga bangketa dito sa manila at sa probinsya, may mga undeground publishers na naglalabas ng mga childrens books na cheap ang papel at presyo, pero mabili. at napakarami ng ipini-print. ganun din ang mga undergound pocketbooks. at sa totoo lang, sa ganito nagsimula ang precious hearts pocketbooks bago sila nakarating sa bookstore. may sarili nang distibution ngayona ng precious, kaya hindi na sila takot subukan ang lahat.
Tama ka sa mga maliliit na publishers na nagpe-penetrate sa bangketa. Napapansin ko rin ang mga iyon pag nagpupunta akong Quiapo. Karamihan sa mga ibinebenta ay children's books at coloring books. Kung may gustong sumunod sa mga yapak noon, puwede sigurong magbenta ng children's komiks na parang coloring book din ang dating.
Naituro mo pala ang topic dito ula sa blog mo, Randy. Sana di magsunuran yung mga nanggugulo. ;)
mayroon namang company na distribution lang ang ginagawa like EMERALD. pero mostly ay malalaking publishing ang kliyente nito at lifestyle mag ang gusto nilang ibenta. hindi ko alam kung gusto ba nila ng komiks. pero may terms naman silang ibinibigay, i guess, kung agree ang both parties sa terms willing silang mag-distribute ng komiks product.
gio, mahirap talaga ang mag-publish pero ganoon talaga... naghihirap muna bago ang ligaya. para rin yang panliligaw sa babae, tiyagaan lang pero magtatagumpay ka pag alam mo yung vision at mission at targets ng iyong product. yung partners ko, as of yesterday, ay 2 milyon na raw ang lumabas nilang pera. pero nang tanungin ko kung magkano na ang bumalik, ang sagot niya ay tumataginting na 'SECRET!!!' well, honestly, wala akong perang inilabas dito, sila lang. ideas lang ang share ko pero dahil nakikita nila ang kagandahan ng market, sige lang sila nang sige. 2 weeks sila, road travel sa south sakay ng bulok na FX to look for more market at mangolekta ng kita. yung mga partner ko would you believe ay dalawang SOLTERA pero kina-career nila ang marketing.
JM, may marketing arm kami, lean but mean. saka yung dalawang soltera ay hands on sa marketing kaya kahit paano ay focus talaga.
guys, wag magugulat sa 2 milyon na lumabas. remember, ngayon lang kami nagkokomiks at by oct pa lalabas. marami kaming ibang titles at dito lumaki ang gastos. kung writer/illustrator ka like randy and reno and gerry, ang gagastusin mo lang ay printing saka iba pang gastos pag nag-market ka na. gerry knows the figures.
yung filipino komiks sa ngayon na 60 pages, (baka maging 100pp)editorial cost nito medyo maliit kasi maraming nagbigay ng libreng contribution para lang maka-takeoff. salamat sa mga tumulong.
go and publish, guys... nagkakaroon na ng consciousness ang mga pinoy sa graphic novels.
JM, hindi ko pa kinukulit si karl, hanggang 22 of sept palugit ko sa kanya.
Post a Comment