Wednesday, May 23, 2007
ANG MGA BABAE SA MRT
Madalas, ang mga lalaki ang nagpapa-upo sa MRT. Kapag may buntis, matanda, o babaeng may kasamang anak, pinapaupo ng mga lalaki. Di na gaano ngayon kapag babae ka lang na mukhang matibay naman ang tuhod (although minsan may gentleman na nagpapa-upo pa rin sa kanila). Di ko maintindihan kung bakit ang mga babae di nagpapa-upo ng iba.
Tulad na lamang noong isang beses na nakasakay ako sa MRT. Nakatayo ako, siksikan, at yung hanay ng mga upuan sa harap ko ay puro babae ang nakaupo. Sa tabi ko, may matandang babae na payat na siguro mga 70 years old na, pero wala ni isa sa mga babaeng nakaupo sa harap ko ang tumayo at nagbigay ng upuan nila sa matanda. Ganoon ba talaga iyon? Porke't babae ka di ka na kailangan mag-magandang loob sa mas nangangailangan?
Tulad din ng isa pang beses na sumakay ako. Siksikan, natural nagkakaroon ng konting tulakan o kaya'y may natatapakan. May isang lalaking matanda na natapakan ang isang babaeng mukhang disente at naka-office attire. Aba, talagang sukdulan naman ang pagkagalit niya sa matanda, kesyo di raw nag-iingat. Sinusubukan naman magpaliwanag ng matanda na may mga nakikiraan kung kaya't kailangan niyang umusod ng kaunti, malas na lang at natapakan niya ang paa ng miss na ito. Pero tuloy pa rin ang talak ng babae. Sa huli, sabi ng babae... "Nakakahiya kayo, pumapatol sa babae." Sagot ng matanda... "Mas nakakahiya ka, pumapatol ka sa nakatatanda." Doon natahimik ang mahadera. Muntik na akong mapa-palakpak. Beeh buti nga!
Sabi rin ng kaibigan kong si Annie, marami raw babae ayaw sumakay sa harapang bahagi ng tren (kung saan eksklusibo lamang sa mga babae, matanda at bata) dahil wala daw nagpapa-upo sa kanila doon. Sabi rin ni Annie siya rin mismo ay naiinis sa kapwa niyang mga babaeng sumasakay doon dahil nga kahit may matanda o buntis na nakatayo wala talagang nagpapa-upo.
To any female readers out there, I hope to be proven wrong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
tama ka dyan reno, yung ibang babae sinsadyang di sumakay sa unahan dahil walang mag-papaup sa kanila roon kaya sa iba sila sumasakay at expecting na papaupuin sila ng mga lalaki.
minsana naman may nanadya at nagpaparinig na kesyo masaki na yung paa, o wala na palang gentleman dito yung mga comment na naririnig. sa tutoo lang nakakainis na sila.
di na nila inisip din na malaking insulto sa ibang lalake ang pagkakaroon nila ng sariling tren, dahil lumalabas na lahat ng lalake ay manyakis.
Iyan nga minsan ang kianiinisan ko sa ibang babae (hindi ko nilalahat, ha). Sabi nila gusto nila, equal treatment. Pero sa tingin ko, ang gusto nila talaga ay SPECIAL treatment.
Yep. Tama ka, Reno. Equal treatment daw, pero they use their gender for our weakness and end up as insultation. Wehehe. (parang di ko naintindihan ang sinulat ko)
Ako di talaga nagpapaupo sa tren or bus, unless na matanda talaga, buntis, or may baby/bata na dala. Pag lalake naman na may dalang baby/bata, pinapaupo ko rin (yung bata) pero bihira ang ganun. Madalas mga babae nagdadala sa mga anak nila.
Sa totoo lang, wala akong paki sa kanila na magparinig sila kung ba't walang gentleman na nagpapaupo. Unless na bigyan nila ako ng kisses...yung hershey's. Fave ko yun eh. Hehehehe!
-ed
wow! may cameo ako. haha
leche lahat silang mahadera! nakakainis din yung reklamo ng reklamo dahil masikip daw sa mrt, tapos ayaw nyang nadidikit sa ibang tao. MAGTAKSI KA!
exciting sa mrt, lalo na pag umaga, isipin mo nalang dun sa unang tren, sama-sama yung mga mahadera heeeheee :P
Tama ka, Annie. Ayaw ng siksikan pero sasakay sa MRT?!?! Ang arte-arte, wala namang pera pang-taksi. Poor! Maglakad kayo!!!!
Cguro, u haven't chanced upon a woman yet na nagbigay ng upuan sa isang mtandang babae,disabled, pregnant o even mtndang lalaki...Hindi sa nagmmaganda ako or what but alam kong meron pang mga babaeng mas "gentleman" pang maituturing kesa sa mga ibang guys out there na nag-numb na ang tuhod mo sa ktatayo eh nagtutulug-tulugan pa rin o kya'y nagkukunwaring nagbabasa ng Libre newspaper na pinamimigay sa MRT.As I have experienced, tlga namng Chivalry is indeed dead long time ago...And If I tell u na ginagwa ko ung pagbbigay ng upuan considering na babae pa ko, would u believe me?
Hello anonymous...
Tulad ng nabanggit ko sa isang post ko pagkatapos nito, meron pa rin namang mga babae na considerate pagdating sa ganitong bagay. Pero mas marami kasi akong na-experience na negative occurences.
Of course maniniwala ako sa iyo pag sinabi mo sa akin na nagpapaupo ka sa mas nangangailangan. And I commend you for that. Sorry if my post came out na nilalahat ko ang lahat ng mga babae na sumasakay sa MRT. I truly apologize.
Sana nga ay dumami ang mga katulad mo, babae man o lalaki, na may konsiderasyon sa iba. :)
Post a Comment