My boss called me up yesterday, asking for help on making a PowerPoint presentation. The big surprise is that it was for his nephew's assignment. And his nephew is barely in grade school! This stuff got me to thinking if kids today are pressured too much in school. Noong araw we used to cut and paste pictures from magazines and old books and paste them onto oslo paper tapos handwritten yung text. But now.... PowerPoint?!?! Naisip ko din na baka the teachers expect their students to know how to use these programs, when clearly they don't (or they're not uch adept at using them) kasi nagpapatulong pa sila sa adults.
Maybe that's why patuloy ang downhill slide ng education in many parts of the world.
Which got me to remembering something I said to myself not too long ago... if ever I become a teacher or even Department of Education head, I'm gonna abolish homework. That's right. Kung maging isang guro ako, di ko pagagawin ng homework or assignement ang mga mag-aaral ko. Aren't they studying enough in school without the extra burden of bringing home their work with them? Di ba most of us adults naman leave our work in the office (except for those who are really busy or workaholics)? Why can't kids have the same benefit and enjoy playing, watching TV or even spending quality time with their parents? The most I'm going to ask my students is to study if there's an upcoming quiz.
Kids also need to relax and enjoy life. They should enjoy being kids. Minsan lang naman mangyari sa buhay natin yun eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Man, isa rin yan sa mga tanong ko nuong araw. Why give assignments? Sabi nila para mahasa ang utak. Right. Pero alam naman ng mga teachers na di lang ang mga bata ang gumagawa ng homeworks nila; its their sisters, brothers, or parents...minsan lolo at lola pa, tiyo at tiya, ninong at ninang...kahit kapit-bahay tumutulong din sa assignment.
When I was in highschool, I never do my assignments at home. I draw lang sa bahay kaya lagi akong napapagalitan ng Nanay ko dahil di daw ako gumagawa ng assignments. I just go to school early at sa library ako gumagawa.
And yeah, yung projects na presentations...geez. Tanda na natin noh? Dati walang computers to do presentations, puro artboards lang at cutout pictures.
Pero bakit hindi yata pareho ang quality ng pagtuturo sa mga public, private, and exclusive schools? I mean, sa resumé palang talo na kung mabasa ng employer na puro sa public school nag-aral ang employee. What if under graduate pa?
May discrimination talaga when it comes to employers when they hire people. Di ba yung iba nga naghahanap pa ng Ateneo or UP graduate. At di lang sa kung saan ka nag-aral. Di ba yung iba gusto hanggang 25 years old lang. Gusto matangkad. Gusto babae. E kung kaya mong gawin yung trabaho bakit di nila ibigay sa yo, di ba?
I think alternative schooling some schools do for preschool kids should be applied to elementary and high school peeps din.
of course, high school peeps need stricter supervision din than elementary kids so at least meron pa ring academics sa side nila.
just my two cents' worth. :D
Palibasa kasi masyadong SAGAD na SAGAD sa oras ang pag-aaral dito sa Pilipinas na ipipilit ng DECS...Tulad na lang naming hayskul na kadalasa'y ginagabi na ng uwi at nawawalan na ng oras sa paggawa ng mga aralin na yan kasi hapon na ang uwi namin...Sa ibang bansa naman hindi naman ganyan e...
Yun na nga. uuwi ka ng 3-4pm, matrapik, darating ka sa bahay, homework, matatapos ka 7-8pm. matutulog ka na 9pm kasi gigising ka uli ng 5am para umabot sa school ng 7am. Ano nang natira sa buhay ng kabataan?
Pero maniwala ka o hindi, nagiging problema din ito kahit sa U.S. Masyado ring pagod ang mga estudyante doon dahil sa homework. Nabasa ko ito noon di ko lang maalala kung saan.
Pero maaga naman ang uwi nila diba?
Yan! Yan ang maling pagsulong ng edukasyon...Biruin mong kahit akong me katamaran sa pag-aaral e nasasabi to! Palibasa kasi, ako nakaserbis pa pano gusto ng magulang ko...Gigising ako ng alas kwatro ng umaga...Almusal, Inom Gamot, Sipilyo, Ligo tapos bihis tapos minsan anjan na yung serbis na naghihintay sakin pagsapit ng alas singko...Tapos uuwi nalang ako serbis pa rin, kadalasan mga 6pm na ako nakakauwi ng bahay pano ako ung una sa umaga sa hapon huli...Tapos ang assignment ko mga tatlo o lima...Mga assignment ko pa nga research, magdadala, kadalasan para pa ngang prajek na kelangan marami at ilagay sa folder...E kailangan ko namang matulog ng mga 8 kasi gigising ako ng maaga...Kadalasan tuloy pagdating ko sa iskul puyat na puyat akot namamaga ang mata at lalu na sa physics na daig ko pa ang nakikinig sa radyo...Me surprise quizez pa! Hay! Sabi pa nga nung kaibigan kong taga-malaysia ang uwi nila dun 1pm lang...Hu! Sagad na edukasyon...Ewan ko ba kung dapat ding ireklamo to sa college kasi kelangan ko ng magprepare sa college eh...Whooh!
Tapos meron pa...Talagang grabe ang 4th year hayskul ko! Lagi nalang 4pm ang uwian pano sa martes me Journalism kami dalawang oras at ganun din sa Physics pag biyernes...Tama ba naman yun!? Dapat bawas-bawasan naman nila ang schedule namin sa eskwela, eh kahit ung kapatid kong grade 6 ganyan din ang sitwasyon eh!!! Pano kami makakapag-aral ng ayos kung tatlong oras nalang ang natitira pagdating ng bahay?! Ano? Kopyahan nalang ng assignment pag dating sa eskwela?! Hay!
Yung magulang ko pa nga ang nagsabing masyadong SAGAD ang Pag-aaral ng kabataan ngayon kumpara sa dati...Eh pano na ang susunod na henerasyon?
Ganun din kami dati sa Don Bosco. 4pm na uwi dahil sa technical subjects. Tapos minsan 5-6 pag may CAT.
Post a Comment